Abante Tonite Interactive

Kylie naglalaan ng P250M sa seguridad

685

Isiniwalat ng transgender biological father ni Kylie Jenner na si Caitlyn na malaki ang perang winawaldas ng anak. Ito’y para sa kanyang seguridad. Naglalaan siya ng halos 20 milyong piso tuwing buwan para dito.

Hindi masyadong open si Caitlyn pagdating sa pamilya niya. Pero sa reality show na “I’m a Celebrity… Get Me Out of Here” ay ni-reveal niya ito.

Siyempre, hindi basta-basta ang makeup mogul dahil tinagurian lang naman siyang “Youngest Billionaire” ng Forbes list.

Ani Caitlyn, “Kylie will spend anywhere between $300,000 and $400,000 (roughly P20,340,000) a month. A ton of money. Everywhere. It’s a big operation.”

Ibig sabihin, halos $5 million o mahigit 250 milyong piso ang budget niya para rito sa loob ng isang taon. (Ronaline Avecilla)