Abante Tonite Interactive

Kylie nagmukhang alalay si Jake

0 500

NI: ARCHIE LIAO

Viral ngayon ang reaksyon ng mga netizen sa paggo-grocery ni Kylie Verzosa kasama ang boyfriend na si Jake Cuenca.

Hirit nila, bakit daw kailangang magkasama pa sila sa pagrampa sa grocery?

Sa pagkakaalam nila, entitled lang ang isang household sa isang quarantine pass sa panahon ng quarantine.

Nasisilip tuloy kung may special privilege na ibinigay kina Kylie at Jake dahil sila ay celebrities.

Pagtatanggol naman ng isa,baka raw naman sinamahan lang ni Jake ang dating Ms.International at may hiwalay itong pass.

May sumabat naman , hindi raw puwedeng magkahiwalay ang dalawa dahil nagli-live in na umano sila ng isang bubong.

May nagkomento rin na hanggang ngayon ay feeling reyna umano ang beauty queen-actress at kailangan nito lagi ang alalay para makarampa.

Awkward nga raw namang tingnan na ang beauty titlist ay masa-sight na pasan ang sandamukal na grocery na pinamili.

Sa kaso naman ni Jake na sobrang inlababu sa gf, gagawin daw nito ang lahat mereseng magmukha siyang third world dyulalay ng dyowa.

Tonite – Wendys Inhouse Ad