Abante Tonite Interactive

Kylie nagselos kay Ritz

539

Aminado ang beauty queen at aktres na si Kylie Verzosa na selosa siya pagdating sa boyfriend na si Jake Cuenca. May mga ilang artista pa nga na pinagselosan niya.

Sa panayam sa kanila sa “Tonight With Boy Abunda”, inamin ni Kylie kung sino ang celebrity actress na minsan na niyang pinagselosan.

Kuwento niya, nagselos umano siya kay Ritz Azul na naging katambal ni Jake sa isang pelikula.

Aniya, “Uminit ‘yung ulo ko. They did a movie kasi together. Nanood kasi ako, Tito Boy. Hindi ako na-inform na ang dami nilang eksena. Eh kasi usually when I watch Jake’s movies, I get ready for the scenes I have to see. Eh hindi ako handa dito. Nagselos ako du’n sa movie.”

Samantala, maging si Jake ay umamin din na nagselos sa isang male celeb na nakasama naman ni Kylie. Sa una ay wala naman umanong problema na makasama ni Kylie ang aktor na si Joseph Marco, subalit kalaunan ay nakaramdam siya ng selos.

Kuwento niya, “Nu’ng magkaeksena sila. Bigla kasing swinitch ‘yung partners namin sa show. Nu’ng nagpalit, at first okay lang naman. Pero nu’ng nakita ko na magkaeksena, nararamdaman ko in that moment, selos ‘yun eh.” (Ronaline Avecilla)