Abante Tonite Interactive

Kylie nakakaadik sisirin

By
0 228

Habang tumatakbo ang panahon, bumibilis din ang madalas na paghuhubad ni Kylie sa social media.

Parang maya’t maya ay nagpapasilip ng kanyang bikini body ang beauty queen, kumpara noong bago-bago pa lang siyang nakokoronahan na Miss International.

Natatandaan pa namin nang ma-interview siya sa presscon ng “Panday” movie. Sinabi nitong hindi siya magpapa-sexy dahil hindi siya sanay na makita ng publiko ang kanyang katawan.

Pero nang magkasunod-sunod ang mga showbiz project ni Kylie at napasama siya sa cast ng “Los Bastardos,” mas lalong naging mapangahas ang Kapamilya actress. Wala siyang takot na magbalandra ng kanyang seksing katawan.

Well, sa panahon ngayon na naglipana na ang bikini beauties lalo’t papalapit na ang summer, hindi puwedeng magpahuli si Kylie.

Bukod sa kanyang title at korona, may kakaibang gayuma si Kylie na maglalaway ang sinumang lalaki kapag nakita siya.

Sa isipan ng mga lalake, isang malalim na dagat ang kaseksihan ni Kylie. Wala silang sawa at kapagurang sisirin ito.