Abante Tonite Interactive

Kylie posibleng i-deny si Jake

410

Nilinaw ni Jake Cuenca na hindi pangteleserye ang pagiging sweet nila ng da-ting Ms. International na si Kylie Verzosa.

Nagsimula ang atraksyon niya kay Kylie noong ginagawa nila ang “Panday” kung saan gumanap siya bilang Lizardo.

Pagbubunyag pa niya, seven months na raw silang nagde-date.

Dagdag pa niya, iba rin daw si Kylie sa mga babaeng nakarelasyon niya dahil ngayon lang daw siya naging open sa nararamdaman niya.

Pag-amin kasi niya, mahal na mahal niya ang beauty queen turned actress bagama’t kapag natatanong ang huli ay iniiwasan nito ang topic.

“I do love her from the bottom of my heart. Mahal na mahal ko siya. This is the happiest I’ve ever been,” ani Jake.

Naurirat namin siya kung ano ang mararamdaman niya kung sakaling i-deny siya ni Kylie.

“I can only answer for me kung ako ‘yung tatanungin. Kung ako tatanu-ngin, I’d rather we both be there at the same time and confirm something together, ‘di ba?” aniya.

“Pero if you ask me, like I said, I’m very open with what I feel,” paliwanag niya.

Huling nakarelasyon ni Jake ang American model na si Sara Grace Kelley noong 2016 pero hindi siya ganoon ka-vocal kapag pinag-uusapan ito. (Archie Liao)