Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie pumalag sa ‘buwiset’ ni Angel

0 178

Ni: ARCHIE LIAO

Viral ang ginawang proposal prank ni Jake Cuenca sa kanyang girlfriend na si Kylie Verzosa.

Ito ay tungkol sa video clip na in-upload niya sa kanyang IG habang nagbabakasyon silang magkasintahan sa Palawan.

May dialogue pa siyang humihingi ng moment sa dating Ms.International .Ini-expect ng mga netizen na magpro-propose na siya sa beauty queen.

May pabiting suspense pa ito pero sa huli ay magiging kill joy pala dahil sa halip na “Will you marry me?” ang sasabihin niya ay walang katuturang “Kumain ka na ba?”

Umani ng batikos sa mga netizen ang ginawa niyang prank kay Kylie.

Lumabas daw ang pagiging childish o immature ng actor.

Obserbasyon naman ng karamihan, insensitive raw ang naging aksyon ng hunk actor

Anila, hindi rin deserved ng beauty queen ang ganoong paasa o treatment.

Hindi raw dapat pinaglalaruan ang feelings nito lalo pa’t dismayado rin ito sa inasal ng kanyang boyfie.

Paliwanag naman ni Jake, iba raw sila ni Kylie sa ibang couple.

Kabisado na raw nila ang isa’t-isa kaya hindi dapat gawing big deal ang nasabing prank.

“We get each other and we get the timing of things. When the time is right and the timing is our. I will not hesitate to ask,” sey niya.

Sey naman ng ilang imbudong netizen, panahon na raw para magseryoso si Jake dahil baka isang araw, paggising niya, nakuha na ng iba si Kylie.

Maging si Angel Locsin ay hindi napigilang magpahayag ng kanyang pagkadismaya kay Jake.

Ani Angel: “Buwisit! Naka-antabay ako, eh!”

Pagkatapos ma-bash ang kanyang boyfie, to the rescue naman si Kylie kay Jake sa pagtatanggol nito.

Nilinaw nito na all along ay kinausap siya ng nobyo sa gagawin nito.

Aniya:”Hello guys! I knew that Jake was going to ask me this question before filming. No feelings or humans were hurt while filming this video hehe, peace and love.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.