Abante Tonite Interactive

Kylie pumiyok na hindi patas ang Q & A sa Binibining Pilipinas

By
3,685

BAGAMA’T nag-congrats si Miss International 2016 Kylie Verzosa sa mga winners ng Binibining Pilipinas 2018, naniniwala siya na hindi patas umano ang mga difficult question sa mga kandidata.

Hanggang ngayon ay trending ang tanong kay Sandra Lemonon na ‘build, build, build’ na hindi niya nasagot dahil honest siya sa pagsasabing hindi niya ito alam. Pinuri ni Kylie ang katapatan ni Sandra.

Ayon kay Kylie, mas mahirap daw ang mga tanong ngayong taong ito at iba-ibang level. Sana raw ay pare-parehong antas ng question para maging fair sa lahat.

Kilala si Kylie bilang pang-anim na nag-uwi ng Miss International crown sa Pilipinas. Nandiyan sina Gemma Teresa Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970) Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005) at Bea Rose Santiago (2013).

Samantala, makikipagpukpukan si Kylie sa kaseksihan sa bagong pelikula na gagawin sa Viva na ‘Abay Babes’ kasama sina Cristine Reyes, Meg Imperial, Roxanne Barcelo at Nathalie Hart.

Pumirma siya ng kontrata nung December sa Viva Artists Agency pagkatapos niyang magkaroon ng special participation sa ‘Ang Panday’.