Abante Tonite Interactive

Kylie tanggap na si Maxine ang pinili ng BF

903

Nilinaw ni Kylie Verzosa na never na nainggit siya o nagselos sa kissing scenes nina Maxine Medina at ng nobyo niyang si Jake Cuenca sa top rating Kapamilya teleseryeng “Los Bastardos”.

Pagtutuwid pa niya, hindi rin daw niya pinersonal si Maxine para makaganti kaya nagkaroon ng ‘duraan’ isyu sa pagitan nilang dalawa.

Gayunpaman, nagpapasalamat siya dahil okey na sila ni Maxine at naging blessing in disguise ang kanyang role bilang pinakamalalang kontrabida para mas umangat at mas mapansin siya.

Hirit pa niya, kung muli raw siyang papipiliin sa karakter niya sa serye at ni Isay (Maxine), mas bet daw talaga niya na bigyang-buhay si Dulce.

Hindi rin daw big deal sa kanya kung sa kuwento ay napunta ang real life boyfriend niya kay Maxine na leading lady ni Jake.

“Actually mas gusto ko siya. Natuwa akong kontrabida. Kung bait-baitan ako, hindi ko maipakikita ang puwede ko pang magawa. Mas gusto ko iyong kontrabida. Kasi kung love team, baka hindi ko ma-explore ‘yung pagiging kontrabida na pinag-usapan at saka alam ko naman na, akin talaga si Jake,” paliwanag niya.

Sey pa niya, hindi raw big issue sa kanya kung malinya siya sa kontrabida roles dahil mas challenging daw ito para sa kanya. (Archie Liao)