Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie todo tawa na daks si Jake

0 276

NI: ARCHIE LIAO

Sa vlog ni Vice Ganda, napag-usapan nila ng dating beauty queen-turned actress na si Kylie Verzosa ang tungkol sa pagiging emosyonal nito nang matanong ng “It’s Showtime” host tungkol sa topic ng breakup.

Ayon kay Kylie, tila tumugma raw ang mga nasabi noon ni Vice sa kinakaharap niyang situwasyon.

Aminado kasi siyang may pinagdadaanan noon ang relasyon nila ng ex na si Jake Cuenca.

Hindi rin daw naging mahirap ang proseso ng paghihiwalay nila ni Jake dahil minahal daw naman niya ito.

In fairness to her ex, mabait daw naman ito pero may mga bagay raw na minsan ay kailangang mangyari o maranasan para mag-grow ang isang tao.

Naluha rin siya nang mausisa kung nami-miss pa niya si Jake, bagay na hindi naman niya ikinaila.

Katunayan, aminado raw siyang tinitingnan o ini-stalk pa rin niya ang ex sa social media account nito.

SM food to go Banner Ad

Ayon pa kay Kylie, bagama’t maayos naman ang kanilang naging desisyon nila to part ways, nasa proseso pa rin daw siya na inuunawa ang mga nangyari sa kanila.

Katunayan, hindi pa rin daw niya binubura ang mga larawan nila ni Jake sa kanyang Instagram account.

Gagawin lang daw niya iyon kapag binura na rin ni Jake ang kanyang mga photo sa IG nito o nakatagpo na ito ng iba.

Sa kaso niya, ide-delete lang daw niya ang photos nila ni Jake kapag may bago na siyang boyfriend bilang respeto na rin sa kanyang bago o darating na bf.

Sa nakakaloka namang tanong ni Vice kung ‘daks’ si Jake, napatawa si Kylie pero ayon sa kibitzers, ang Mona Lisa smile nito ay isang kumpirmasyon na ‘gifted’ ang kanyang ex.

Sey pa ni Kylie, happy naman daw siya sa estado ng puso niya ngayon kahit wala pang kapalit sa puso niya si Jake.

Marami raw namang nagmamahal sa kanyang mga tagasuporta at mga katrabaho at dito siya humuhugot ng inspirasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.