Abante Tonite Interactive

Kylie-Travis hiwalay na

316

Matagal na palang may hidwaan sa pagitan ng celebrity couple na sina Kylie Jenner at Travis Scott. Sinubukan nilang ayusin, pero nagkalabuan at tuluyan na ngang naghiwalay.

Ayon sa source ng TMZ na malapit sa couple, hindi na umano nagsasama ang dalawa. Pinilit naman umano nilang maayos ang relasyon pero nitong mga nakaraang linggo ay napagdesisyunan na nilang maghiwalay muna.

Kaya pala simula nitong Setyembre 10 ay hindi nakikitang nagpo-post ang business mogul ng larawan nila ng kanyang boyfriend. Masyadong mabilis ang pangyayari dahil nito lamang summer ay hindi sila mapaghiwalay ni Travis.

Hindi rin namataan si Travis na dumalo sa kasal nina Justin at Hailey. Nag-i-enjoy naman si Kylie kasama ang kanyang mga kaibigan gaya ni Jaden Smith.

Sa ngayon ay patuloy pa rin naman ang kanilang co-parenting para sa kanilang anak na si Stormi. (Ronaline Avecilla)