Abante Tonite Interactive

Kylie Verzosa, ikaanim na Pinay Miss Int’l

By
Kylie Verzosa
10

Kris, nakipag-meeting sa Kapamilya

KINORONAHAN ang kinatawan ng Pilipinas na si ­Kylie Verzosa bilang Miss International 2016 kahapon sa Tokyo, Japan.

Si Kylie ang ika­anim na Pinay na Miss International.

Nauna sa kanya sina ­Gemma Cruz (1964), ­Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), at Bea Rose Santiago (2013).

Nakapanayam si Kylie sa 24 Oras kagabi at nagpasalamat siya sa suporta sa kanya ng mga kababayan.

Ang first runner-up sa 56th Miss ­International ay si Miss Australia ­Alexandra Britton.

Second runner-up si Miss ­Indo­nesia Felician Hwang.

Third runner-up si Miss ­Nicaragua Brianny Chamoro.

Fourth runner-up si Miss USA Lindsay Becker.

Ang iba pang Thank You Girls na nasa Top 15 ay ang mga kalahok mula sa Finland, Mexico, Japan, El Salvador, Canada, Dominican Republic, Argentina, Russia, Thailand at Poland.

Ang Pilipinas ang pangalawa sa may pinakamaraming panalo sa Miss International.

Ang Venezuela ay may pitong korona na.

Taga-Venezuela ang nagsalin ng korona kay Kylie.

***

Nakita raw si Kris sa ABS-CBN noong isang hapon.

Akala ng marami, balik ABS-CBN na si Kris Aquino, pero noong i-verify namin ang balita… si Kris Bernal pala ‘yun at hindi si Kris Aquino.

Lilipat na ba bilang Kapamilya si Kris B?

Balitang nagprisinta raw ito na lumipat. Tama kaya ang ginagawa niya?

***

Hindi pa rin maintindihan ang pag-alis ni Julia Montes sa Star Magic.

Bakit kaya bigla na lang siyang kumalas sa management niya na nagpasikat sa kanya?

Bakit hindi siya nakahanap ng middle ground tulad ng co-management with the new manager na si Erickson Raymundo? Ano ang kinalaman ng nababalitang boyfriend nito na si Coco Martin sa kanyang desisyon?

Si Coco Martin ba, taga- Star Magic pa rin in practice or in paper lang, kasi, si Biboy Arboleda naman talaga at Dreamscape ang nagha-handle ng career niya?

May epekto ba sa Doble Kara ang desisyon na ito ni Julia? Paano kung sabihin ng Star Magic na hindi sila magpapahiram ng artista nila para sumuporta kay Julia?

Ang daming tanong, hintayin natin ang mga sagot.

***

Halatang tatapusin na ang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Tatapusin na rin ba ang teleseryeng Doble Kara ni Julia Montes?

Magtatambal kaya sina Coco at Julia sa TV version ng FPJ’s Batang Quiapo?