Abante Tonite Interactive

Kylie vs Maxine, kabugan sa FAREWELL WALK

By
18

Maxine Medina at Kylie VersozaKAKAIBANG love triangle ang matutunghayan sa videoseryeng Kailan Darating Ang Ayoko Na na magpe-premiere mamayang 6:00 PM sa YouTube channel na Star Music.

Makaka-relate dito nang husto ang mga bisexual o chickboy (pwede sa chick, pwede sa boy)!

Bida rito sina Cath­erine Rem, Blumark Roces at Orlando Sol.

Ang kantang Kailan Darating Ang Ayoko Na ang carrier single ng unang solo album ni Orlando na pinamagatang Emos­yon (P199 ang halaga).

***

Binibining Pilipinas na naman this weekend.

Sino kaya ang kokorohanan bilang kapalit nina Maxine Medina at Kylie Verzosa na nagtatak sa ating mga isipan sa timpalak kagandahan noong isang taon?

Sino ang huling la­lakad at magga-grand finale walk si Maxine na finalist sa Miss Universe o si Kylie na titleholder na Miss International?

Abangan natin ‘yan mula sa hosting nina Pia Wurtzbach at si Xian Lim sa Big Dome sa Linggo.

***

Wake up call sa ABS-CBN na ayusin nila ang kanilang News and Current Affairs programs para mapantayan man lamang ang na-achieve ng GMA 7 na tatlong Gold Prize sa nakaraang New York Festivals for TV para sa Frontrow (Bata sa Bintana), Reporter’s Notebook (Pasan-Pasang Pangarap) at Reel Time sa GMA NewsTV (Ma­ling Akala).

Sa ABS-CBN tanging ang WARMER na documentary ni Atom Araullo ang nabigyan ng Bronze award at hindi pa sa major network naipalabas kundi sa ANC.

Hindi kaya mas bagay sa GMA 7 si Atom dahil hindi forte ng ABS-CBN ang paggawa ng magagandang documentaries?

***

Semplang!

Sadsad ang unang box office result ng Cinema Lokal ng Film Development Council of the Philippines.

Meron isang araw na P1,000 lang hinamig ng isang pelikula.
Sa isang buong linggo, P8,000 lang ang kabuuang kinita.

Nasaan ang mga manonood na humihingi ng mga magandang pelikula?

Hindi kaya basta na lang ihinto ang serbisyo na ito sa Filipino viewers kung wala rin lang manonood?

***

“May pag-uusap na tungkol sa project with Piolo (Pascual) kaya lang, kailangan kapag nagsama kami, maganda siya at akong tingnan,” sabi ni Judy Ann Santos sa kanyang pagbabalik-pelikula.

***

“Pagkatapos ng Milan at Sigaw, heto na ulit ang Iza Calzado na isang great actress of her time,” ang sabi ng veteran writer na si Ronald Constantino tungkol sa performance ni Iza sa pelikulang Bliss.

Hindi na nabigyan ng R-16 ang pelikula para maipalabas sana sa SM cinemas.

***

Sa isang historical site sa probinsya, may dalawang pangalan ng babaeng artista ang ibinigay ng tour guides bilang masungit at suplada sa guests nila sa lugar na ‘yun.

Isa ay ang babaeng winner sa isang reality show at isa namang aktres na ang angkan ay mula sa probinsyang iyun.

Parehong may reputasyong may sayad ang dalawang ito na minsan nang nagsama sa isang pelikulang nag-flop sa box office.