Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie walang sawa sa pagmamaldita

0 278

Tuwang-tuwa siguro si Kylie Padilla dahil feeling niya super relevant siya nowadays.

Bakit kaniyo? Kasi bawat banat niya sa seasoned entertainment journalist at Abante TONITE kolumnista Cristy Fermin eh pinag-uusapan at sangrekwa ang mga maiigting na reaksyon.

Tutal, nagtatatapang-tapangan itong si Padilla at pakiwari niya ay pribelihyo siyang magmaldita, trip niya iyan. Hindi naman niya ikinaganda,di ba?

Mainam namang naipaliwanag ni Ms. Fermin ang mga puntos niya sa kanyang programa . ito’y tungkol sa mga post ni Kylie na alam naman nating kanyang binura at hindi napandinigan.

Sa true lang ang diva that you love, mas malala ngayon ang galawang starlet ni Kylie dahil imbes na manahimik na lamang siya, patuloy ang kanyang walang kapararakang hanash at kuda sa social media . Ang premise eh “pagtatanggol” sa kanyang sarili na yinuyurakan ng lahat.
Hay ning, kailan mo kaya matutuhan ang katotohanan na less talk, less mistakes at ang think before you click.


Nikko, Zeus mapangahas ang harutan sa stag party

Low budget stag party ang nangyari sa soon to be a groom na HashTag member Nikko Natividad.

Ang humarot-harot sa kanya kasing “bebot” ay ang nagmamagandang si Zeus Collins . Nakasuot siya ng one-piece black swimsuit, sexy fishnet stockings, at siyempre gyrating as if there is tomorrow para maaliw at hopefully ay ma-elya itong si Natividad.

Ang mga mas uminit ang mga katawan, eh ang mga diwata at sirena dahil sa larawan ni Collins na hindi maitatago ang pambihira nitong bukol na ipit na ipit sa kanyang bikining itim.

May ubas pa ngang kinain si Collins na nakapatong sa pundya ni Natividad. Sumaklang ito sa groom to be, gumiling-giling, kumanyod at dinunggol-dunggol ni Zeus ang kanyang bukol sa katawan ni Natividad, sherep!

At most loved ang stag provocative number ni Zeus Collins for Nikko Natividad dahil halos kalahating milyon na ang views dito since na-upload ,huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.