Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie wapakel sa live-in kay Jake

0 223

NI: ARCHIE LIAO

Noon, masasabing big deal sa isang beauty queen kapag siya ay natsitsismis na nakikipag-live in.

It’s a written and unwritten rule kasi na dapat morally upright ang isang beauty titlist at modelo ng mga kabataan.

Ngayon, tila hindi na ito malaking isyu dahil minsan nakaka-stir pa nga ito ng public curiosity para sila ay pag-usapan.

Eventually, napakaliit din ng pagitan ng pageantry at showbusiness dahil karamihan sa mga beauty queen ay sumasabak din sa pag-aartista.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kaso ng Viva artist at dating Ms. International na si Kylie Verzosa, wapakel na lang siya kapag nababanggit ang umano’y pakikipag-live in niya sa boyfriend na si Jake Cuenca.

Ayaw rin niyang magpaka-ipokrita dahil aminado naman siyang nag-try silang mag-live in ng dyowa na para sa kanya ay di naman imoral.

“For a few months, we lived together. We’re no longer teenagers, so for us, it’s no big deal,” aniya.

“I know that not everyone will understand, but I don’t care. Bakit ba sila makikialam sa happiness namin? They should work on their own happiness. Jake and I now live in separate condos, but we are neighbors,”

dugtong pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.