Abante Tonite Interactive

Kylie wapakels sa nakaraan ni Jake

1,527

Kung ang iba ay malamig ang Pasko, si Jake Cuenca ay mainit na mainit ang Christmas sa piling ng nobya nitong si Kylie Verzosa.

Magku-cruise daw sila kasama ng pamilya ni Kylie after Christmas. 7-day Asian cruise daw ito na first time mae-experience ni Jake.

Bale Pasko ay kasama nila ang family ni Jake and after ay family naman ni Kylie.

Kaya pagkatapos pa ng Pasko ay dahil may MMFF 2019 entry ang Kapamilya hunk, kasama siya sa movie ni Vic Sotto na “Mission Unstapabol: The Don Identity” kaya magpu-promo at paparada muna siya bago magbakasyon.

Thankful, masaya at cozy raw ang Pasko ni Jake, na ang ganda nu’ng sinabi sa mediacon ng “The Haunted” na hindi siya hinusgahan ni Kylie base sa nakaraan niya.

“I’m very lucky to be with a person who didn’t judge me because of my past. Marami siyang narinig about me but she didn’t judge me with the things that she heard. She judged me with what she saw in front of her.

“So, suwerte ako na nakakilala ako ng tao na hindi niya dyinudge ‘yung book by its cover.

“Same sa family niya nu’ng nakilala ko ang dad niya, nakilala ko ang brothers niya. Ang importante sa kanila, ‘yung impression nila at the very beginning. So, for that I’m thankful.”

Katatakutan, gulatan at madugong Kapaskuhan ang hatid ng horror series na “The Haunted” na ibang-iba raw ang karakter ni Jake kumpara sa huli niyang ginawang horror movie na “Eerie”.

Si Direk Manny Palo ang direktor ng “The Haunted” na nagdirek din ng huling teleseryeng pinagtambalan nina Jake at Shaina Magdayao 7 years ago na “Kung Ako’y Iiwan Mo”.

Magdayao pinatay ulit

Malamig pa rin ang Pasko ni Shaina Magdayao, pero sa piling ng mga kaibigan at mahal niya sa buhay ay masaya raw ang Christmas niya.

Sey ng 30-anyos na Kapamilya actress, physically ay malamig lang naman ‘pag nasa ibang bansa siya, pero pareho pa rin daw ang mga nakapaligid sa kanya at nadadagdagan pa nga raw ang friends niya.

Work-wise, personal life-wise ay masaya raw siya.

So, hindi naging isyu sa kanya na wala siyang love life ‘pag Pasko? Hindi ba siya nalalamigan at hindi siya nakakaramdam ng lungkot ‘pag ganitong panahon?

“Siguro dati, when I was younger o nu’ng fresh pa lahat. Hindi naman ako magkukunwari na sabihin na, ‘Ah hindi, hindi talaga ako nalungkot.’

“Oo naman, nalungkot ako. In front of everyone, alam n’yo naman kung ano ‘yung nangyari at nangyayari sa buhay ko, right? So, you’ve all witnessed it.

“So, hindi ko ide-deny na siyempre, nagkaroon na ako ng malamig na Pasko. But at the end of the day, when you’re surrounded by people you love, it doesn’t have to be just one person, ‘di ba? Your family, your friends…

“And maraming blessings na dumarating. I’m actually looking forward to 2020 because I turned 30 this year at parang panibagong chapter, panibagong decade and everything’s new.

“Pero ang hindi lang nagbago eh ang pagpasok ng trabaho. That’s why I’m very grateful for that,” bulalas ni Shaina.

Tungkol sa napabalita kamakailan na namatay daw siya, recycled fake news na pala ‘yon kaya hindi na raw pinansin ng dalaga.

Ani Shaina, nu’ng first time na kumalat ‘yon years ago ay ang daming tumawag sa kanya. Medyo nagulat din daw siya, pero this time ay konti na lang dahil alam naman ng lahat na buhay na buhay siya.

Nu’ng mabalita ‘yon ay nasa ibang bansa siya dahil dumalo si Shaina sa Vienna Film Festival sa Austria kasama si Direk Lav Diaz.

Bale birthday leave na rin daw niya ‘yon, tapos ay nag-shoot din sila roon ng isang pelikula with Ms. Charo Santos na 2 years ago pa nila sinimulan pero hindi pa matapos-tapos.

Actually, ang ganda ng pasok ng holiday season kay Shaina dahil meron siyang horror series every Sunday, ang “The Haunted” kasama sina Jake Cuenca at Denise Laurel na tatagal hanggang end of January.

Bukas na ang simula nito sa dating timeslot ng “Wansapanataym” na pinalitan na ng Dreamscape Entertainment.