Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie wild sa kama

0 140

NI: ROLDAN CASTRO

Posible bang maging kaapid mo ang asawa mo? Ito ang posibilidad na titingnan ng beteranong direktor na si Mac Alejandre sa kanyang bagong pelikula, ang My Husband My Lover .

Tampok ang apat na hottest stars ng henerasyong na sina Marco Gumabao, Adrian Alandy, Cindy Miranda at Kylie Verzosa.

Masaya ang buhay mag-asawa nina Alice (Kylie Verzosa) at Noel (Marco Gumabao).

Pero si Alice ay isa ring wild partner pagdating sa kama sa kanyang kalaguyo na si Dennis (Adrian Alandy).

Maayos ang lahat hanggang sa malaman ni Alice na siya ay buntis. Hindi niya alam kung sino ang ama ng kanyang dinadala kaya napilitan siyang umamin kay Noel tungkol sa kanyang relasyon kay Dennis.

Nakahanap ng bagong karelasyon si Noel kay Loida (Cindy Miranda), isang abogada. Si Dennis naman ay naging mabuting mister kay Alice at tatay sa kanyang anak, kahit alam niyang hindi ito sa kanya nang lumabas ang DNA result.

Ang muling pagkikita ng mag-asawa ay nauwi sa mainit na pagtatalik . Nauwi ito sa “bawal” na relasyon.

Nabaliktad na ang sitwasyon at si Noel na ang naging kalaguyo ni Alice. At mas magiging komplikado ang sitwasyon sa pagdating ng kani-kanilang partner upang angkinin ang sa alam nilang sa kanila.

Ito rin ang pangalawang beses na magsasama sa isang proyekto sina Kylie at Marco. Ang kanilang unang project ay ang original series ng VIVAMAX na “Parang Kayo Pero Hindi.” Dahil dito,kaabang-abang kung paano nagbago ang chemistry nilang dalawa mula sa kanilang unang proyekto.

Panoorin kung ano ang kahihinatnan ng mga komplikadong relasyon at pagsasama sa My Husband, My Lover, streaming online sa November 26 sa Vivamax.

Leave A Reply

Your email address will not be published.