Abante Tonite Interactive

Kyline binuro ang acting career

509

Hindi naging maganda ang pagtanggap ng mga mga manonood sa teleseryeng pinagbidahan ni Kyline Alcantara na Inagaw na Bituin.

Totoo ba ang tsika na hindi muna siya bibigyan ng drama show?

May tsika na ipapahinga muna siya sa paggawa ng teleserye. Kung bibigyan daw siya muli ng soap o-pera ay pag-aaralang mabuti muna at hindi biglaan na kagaya ng Inagaw na Bituin.

Iniintriga siya tuloy na nakatsamba lang siya sa ‘Kambal Kari-bal’ na sinubaybayan talaga ng publiko. Ito nga ang naging barometro ng Kapuso Network kaya binigyan siya agad ng solo project pero nabigo ang naturang istasyon. Lutang na lutang pa naman ang husay niya sa pag-arte sa nasabing programa.

Samantala, marami raw naiinggit kay Kyline sa pagiging parte niya sa pagbabalik tv ng StarStruck. Nagsilbing host siya sa online show na Inside StarStruck. Kahit wala munang teleserye, aba-la naman siya sa mga live at musical shows. (Rodel Fernando)