Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kyline ‘ginagamit’ si Lloydie

0 994

Nakakaloka ang galawang starlet nitong si Kyline Alcantara, huh! The WHO si Kyline? Yun na! Ang savage niyo sa kanya, my dear TONITE readers, hahahaha!

Hindi ba’t pinangangalandakan ng kanyang Sunflower followers na sikat na sikat ang Kapuso star at ka-level na nga nito, if not mas sikat pa ito sa No Franchise Network Princess Kathryn Bernardo.

Ang Kyline kasi, dahil putok na putok na ang chikang ang drama king in sabbatical no more na si John Lloyd Cruz eh magiging ka-Siyete na, biglang inilabas sa IG stories nito ang mga larawan nila ni JLC kung saan makikitang neneng-nene pa siya. Ang caption na ginamit ni Alcantara para sa mga larawan ay “crush.”

In fair Verona kay Binibining Alcantara, tagumpay ang pagpapansin niya kasi nga, sangrekwang bashing at hating ang kanyang natanggap . Ang pagbubunyag niya na may busilak siyang paghanga sa mahusay na aktor ay hindi masyadong halatang perfect ang timing, hindi ba naman?

Best in mema at best in use me in a sentence tuloy ang datingan nitong si Kyline na for all her promise at talent, kataka-taka at tunay talagang nakakahibang na hindi pumagaspas ang karera.

Amused kaya si Lloydie sa paandar na ito ni Alcantra? Super aroused kaya ang curiosity of the multi-awarded actor dahil sa payanig na ito na screaming talaga na “pansinin mo ako, John Lloyd Cruz” ang be all and end all?

Nasa demokrasya naman tayo kaya pabigyan na natin ang saccharine tripping ni Kyline Alcantara. Kung uukol, talagang bubukol na magkatagpo o magkabanggaan man lang sila ni JLC. At kung may susunod na kabanata pa after this crush declaration, tanging mga pulis pangkalawakan na lamang ang may alam.

Rabiya wasak na ang relasyon

Dapat ba tayong malungkot o magbunyi sa wasak na relasyon ni Ms. Universe Philippines Rabiya Mateo at kasintahan nitong Neil Salvacion?

“The real thing is, we’re not together anymore” deklara ni Neil sa Instagram.

Sa true lang hindi naman natin sila ka-close pero nakakahinayang pa rin ang pitong taong pagmamahalang nauwi rin sa wala?

Kaya pala mas ginusto munang magliwaliw ni Bb. Mateo sa ibang bansa at maging germ free kasi nga ambassador na siya of an ethyl alcohol perfume dahil may tandang pandamdam na kanilang relasyon hindi pala pang magpakailanman.\

SM SuperKidsDay Banner Ad

Alden pinagkaguluhan sa bagong gupit

Iba talaga ang estrella power ni Asia’s Multi-Media Star Alden Richards. Binago lang ang hairstyle nito, nagkagulo na ang kanyang mga tagahanga at major, major item talaga ang kaganapan .Pasok sa kanilang news broadcast,

Ang bagong istilo ni Alden sa kanyang buhok ay para sa katauhan niyang gagampanan sa drama niyang pinagbibidahan kasama si Jasmine Curtis Smith, ang “The World Between Us.”

Sa totoo lang bagay na bagay kay Faulkerson Jr,ang hairstyle niya at lalong tumingkad ang kagandahang lalaki nito.

Kahit pa nga siguro maging skin head o kalbo si Alden, hindi mababawasan ang kaguwapuhan nito dahil talaga namang ang handsomeness niya ay isa sa best assets of the binatang may biloy.

Siyempre, marami na rin ang excited how different is “The World Betweeen Us” sa nga proyekto na nilang pinagsamahan dati ni the Ms. Curtis who can act.

There is just something so achingly sweet and freaking believable pag sina Alden at Jasmine ang magkapareha kaya marami talaga ang bet na bet sila bilang magkasama sa telebisyon man o sa pelikula.

Maliban sa hairstyle, ano pa kaya ang body part ni Alden na bet nating makita sa paparating niyang TV series? Alam naman natin kasi na sa husay at galing eh liyamado na talaga ang bida natin kaya umaasa ang lahat na may thirst trap body buyangyang si Alden dito.

Mas lalong magbubunyi ang mga diwata, sirena at mga babae, kung may pakili-kili o karug reveal ang aktor. At mas lalong magdedeliryo ang lahat kung may swimming trunks siya at mangugulantang ang katotohanan na siya pala ang supremo sa Felix Bakat movement. Juice colored! Tiyak, takam-takam at tilam-tilam moment na ‘yun, pag nangyari at nagkataon.

Aldred non showbiz guy ang ‘dyowa’
Dahil pride month ngayon, maglulundag ba tayo sa katotohanan na si Aldred Gatchalian eh may jowa na itatago natin sa pangalang Mike Morente.

The WHO si Aldred? Ang lupit niyo naman sa kanya. Hahahaha. Hindi niyo na ba alam na minsan eh tumira rin siya sa bahay ni Kuya noong siya ay teenager pa?

Artistahan ang ka-close ni Gatchalian and the years have been kind to the starlet dahil fresh na fresh at guwapo pa rin ito. Nakakatuwa naman ang ganiyang mga pagmamahalan, hindi ba naman?

Leave A Reply

Your email address will not be published.