Abante Tonite Interactive

Kyline humakot ng award

By
218

Iba talaga ang suwerteng dumating sa career ng Kapuso actress-singer na si Kyline Alcantara mula nang maging Kapuso ito. Naging bida na ito sa serye ng “Inagaw na Bituin.” Rumaratsada rin ang kanyang endorsements at humakot din ng awards last year.

Itinuturing din siyang lucky charm ng Symply G Marketing (makers of Symply G Hair & Skin Care).

Mula nang maging brand ambassadress ito ng nasabing produkto, nagkasunod-sunod din ang natatanggap nitong karangalan bilang patunay sa magandang kalidad ito.

“Hindi kami nagkamali sa pagkuha kay Kyline bilang brand endorser ng aming produkto. Since then, nag-increase ang aming sales. Ma­laking bagay ‘yung suporta ng mga sunflower (tawag ni Kyline sa kanyang mga tagaha­nga). Kunteto kami sa kanya bilang endorser,” deklara ng Marketing Manager na si Marlon Fajardo.

Ginawaran ng 39th People’s Choice Awards ang Symply G bilang Consumer’s Choice, Seal of Excellence, Gold Seal of Quality, Best Brand, People’s Choice: Corporate/Product at Consumer’s Quality.

Samantala, kasabay halos nang awards ng Symply G, tumanggap naman si Kyline ng karangalan bilang Promising Female Concert Performer sa 50th Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).