Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kyline, Mavy inamin ang ligawan

0 276

So, nasa courting stage pa lang pala sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Inamin mismo ito ng young actor sa digital mediacon kahapon ng I Left My Heart in Sorsogon na pareho silang cast.

Matagal-tagal na ring tinutukso ang dalawa sa showbiz world at noon pa’y marami na ang nakakapansin na talagang may something special na namumuo sa kanila. Ang akala nga ng marami ay magdyowa na sila.

Sa mediacon ng ILMHIS, at first ay natanong ang dalawang young stars kung ano ba talaga ang tunay na estado sa kanila.

Si Mavy ang unang sumagot.

“Siyempre, kami ni Kyline, matagal nang magkaibigan, 3 yrs na. Siyempre, through the years, may mga feelings na nade-develop.

“So ngayon, as for now, siyempre, each and every day, nagle-level-up ‘yung relationship namin, saka ‘yung bonding namin. You can’t help but think na sometimes, nakikilig ka na, hindi na ‘yung tipong friendship lang. Alam mo may direksyon na. . .you know, different from friendship,” sey ni Mavy.

Dagdag pa niya, happy and thankful daw siya sa closeness nila ni Kyline.

“But again, each and every day, I’m just thankful na naging close ako kay Kyle and I’m really grateful and happy na I’ve such a great relationship with Kyline,” sey ng anak nina Zoren Legaspi and Carmina Villarroel.

Natanong si Mavy kung naniniwala ba siya sa ligawan or panliligaw at aniya ay oo naman dahil ito rin daw ang itinuro sa kanya ng mga magulang.

“’Yung rule talaga ni Mama saka ni Papa sa akin is kung interested ako sa isang babae, iko-court ko talaga, so I believe in that. Ako mismo talaga ang nagko-court at si Kyline na ang sumagot diyan kung paano ako mag-court,” sabi ng young actor sabay-tawa.

Kaya naman natanong si Kyline kung nasa courting stage ba talaga sila ni Mavy.

“Well, maybe, this is a very showbiz answer, but I really enjoy his company, like truly, from the bottom of my heart. I really enjoy his company, not as friends and as. . .we don’t know the future,” sagog ni Kyline sabay-tawa rin.

Kung paano manligaw si Mavy, sey ng young actress, napaka-gentleman daw nito.

“He’s really a gentleman. Super. Like sa lahat ng nakilala ko, siya talaga ‘yung pinaka-gentleman sa lahat ng ‘yun. Hindi sa lahat ng nanligaw sa akin, pero sa lahat ng lalaki na nakilala ko, except of course from my loved ones or from my family members, but siya talaga ‘yung pinaka-gentleman.

“Like to the point na nagagalit siya kapag ako ‘yung nagbukas ng pinto. Hindi naman nagagalit pero parang ‘ano ba, dapag ako magbukas ng pinto’ or ‘bakit ka nagtimpla ng kape? Dapat ako ‘yan’ blah blah blah. Ganu’n,” pag-amin ni Kyline.

“Nakaka-dalagang Pilipina,” dagdag pa niyang natatawa.

Samantala, magsisimula na ngayong Nov. 15 ang I Left My Heart in Sorsogon sa GMA Telebabad. Ito ang comeback teleserye ni Heart Evangelista after My Korean Jagiya in 2018. Kasama rin dito sina Richard Yap, Paolo Contis at marami pang iba.

Ina ‘di maramot sa sikreto

Isa sa mga aktres na talaga namang kinaiinggitan ang kaseksihan ay si Ina Feleo. Kung follower ka niya sa Instagram, makikita mo na ang fit and firm body na ine-enjoy niya ngayon ay bunga ng ilang taon ding continuous work-out. At hindi rin talaga ito madali dahil kinakailangan ng matinding dedikasyon para ma-maintain.

Well, hindi naman madamot si Ina sa sikreto. Madalas niyang ibahagi sa IG ang kanyang work-out routine for staying fab and sexy. May mga short vids din siyang ipinapakita ng kanyang pagyo-yoga at pagi-exercise.

Sa isang video niya, she wrote, “I started a challenge for myself of practicing yoga everyday for at least 30mins. Today is week 1 done🧘🏻‍♀️ Here’s a clip of me trying out the side crow pose for the first time and holding it for 1 second.”

Isa pa niyang tip para maging fit ay maging consistent.

“How long are your workouts? Mine are usually just 30mins, sometimes less. Maybe it’s not as hardcore as it should be but this is a length I can be consistent with. The best tip for being fit would be: be consistent. So choose a workout you like doing!” aniya.

Kitang-kita rin sa mga posts ni Ina na sobrang happy siya sa kanyang married life. Ito’y sa Italian husband na si Giacomo Gervasutti. Matatandaang ikinasal sila noong December, 2020.

Leave A Reply

Your email address will not be published.