Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kyline, Mavy nagkabalikan

0 152

Nagkabalikan na ba sina Maverick Peter Legaspi at ang sunflower Kapuso princess na si Kyline Alcantara?

Nu’ng April 4 lumabas sa Tonite na sawi siya umano kay Mavy. Siya ang tinuturo ng source sa sinabi ni Kyline sa presscon ng ‘I Can See You 2” na galing siya sa heartbreak.

Kasi naman, kahit nga ang kambal niyang si Maria Cassandra, may “maverick peter! Ano na naman to: reaction sa post niyang “her. Her smile. Her dimples. Yup, that’s the post” sa IG.

Ang larawan pang kalakip ng post, ang hintuturong naka-dikit mismo sa biloy ni Alcantara na siyempre pa, daliri ni Mavy, noh.

Kaya ganun na lang ang panunudyo ng ibang Kapuso artists sa nasabing post ni young master Legaspi. At obviously, smitten ang binata nina Zoren at Carmina sa nagmamagandang si Alcantara.

Naku, Kyline, Kung okey na ang relasyon ni Maverick Legaspi, huwag ka munang magpahara-hara sa daan at baka ang team Gurlis at pangkat Mambubuhok eh ipatikim ang bagsik at ngitngit nila sa iyo, huh!

Pokwang atat kina  Alden, Rayver, Jennylyn

Ngayong opisyal na ang pagiging Kapuso ni Marietta Subong na mas popular sa kanyang screen named na Pokwang, inaabangan na siyempre kung ano ang kanyang mga bagong pasabog sa Kapuso network. Sino-sino rin sa mga Kapuso artist ang bet niyang makatrabaho?

Sa mga homme, on top of Ms. Pokie’s wish list ay si Alden Richards. Once lang daw silang nagkasama sa isang corporate event na isa si Richard sa guests at mula noon,naging malambing ang binatang best in biloy sa kanya. At alam niyang likas na mabait at magiliw ito.

Miss na rin niya si Rayver Cruz na dati niyang nakakasama sa mga international show.

Dalawa sa pinakamaningning na artistang babae naman ang kanyang ninasa na makatrabaho, ang Kapuso Queen na si Marian Rivera at ang last original StarStruck superstar Jennylyn Mercado.

Siyempre pa, marami ang abangers kung makakatrabaho niya sa isang proyekto ang Comedy Concert Queen AiAi delas Alas at ang Duchess of Intelligent Comedy Eugene Domingo.

Ang gusto ni Ms. Pokie ay magkatalk show sila na mala-“Sis.”

Sa true lang, bagay sa tatlo ang isang TV adaptation ng “First Wives Club,” yung campy comedy dati na pinagbidahan nina Bette Midler, Diane Keaton at Goldie Hawn. Mas bagay na bagay rin sila sa Pinoy adaptation ng “The Witches of Eastwick, isang dark fantasy comedy film tungkol sa makabagong mga mangkukulam na pinagbidahan dati nina Michelle Pfeiffer, Susan Sarandon and the only Cher.

Ang diva that you love ang super major wish ko lang na show na gawin nina Miss Pokie, Delas Alas at Domingo ay isang entertainment talk show na may analysis, argumentation at debate na mala-“The View.” Siguradong riot ang shading at reading nitong tatlo kapag hinimay-himay na at titigbakin na nila ang samu’t-saring showbiz issues.

Touched na touched nga si Ms. Subong sa mainit na pagtanggap at pagyakap sa kanya bilang bagong Kapuso, mangiyak-ngiyak pa ito, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.