Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kyline, Mavy pasabog ang kilig

0 158

NI: ALWIN IGNACIO

Sa mga bagong love team na inilunsad, sina Kyline Alcantara at Maverick Legaspi ang masasabing pinaka-“timer” pagdating sa pagpapa-kilig .Yes oh yes, hindi lamang kumukuti-kutitap, kundi makislap na makislap naman talaga ang kanilang estrella.

Bukas na aklat rin na may tunay na “closeness” na ang dalawa .Hindi na kailangan pa ang kahit na anong palihan para ilabas ang kanilang “chemistry” at genuine fondness para sa isa’t-isa.

Eh kamusta naman ang mga dramarama nina Zena Mejia-Jamir Zabarte, Althea Ablan -Bruce Roeland, at Sofia Pablo – Allen Ansay, isang libo’t-isang kilig rin kaya ang ihahatid nila sa mga loyalistang Kapuso?

SM food to go Banner Ad

JILLIAN ETSAPUWERA SA LOVETEAM

Ang diva that you love, tanda na itong si Ablan at Pablo ay nasa “Primadonnas” kaya nga kataka-taka at gusto kong mahibang kung bakit si Jillian Ward na sa true lang eh mas maganda sa babaing kawangis ni Darren Espanto si Althea at kahawig ni James Yap Jr., si Sophia, eh walang ka-love team?

Strict ba ang parents ni Jillian? Pakiwara nila eh “nene” pa ito at hindi pa dapat makipaglambingan at lambutsingan sa opposite sex? O, mas bet nilang “stand on her own” ang young miss at keribel na mas kumislap ang karera na walang kapareha?

Manalig tayo sa magical pixie dust ni Johnny Manahan na in a major, major way ang pag-sparkle ng mga totoy at neneng mga ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.