Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kyline, Mavy ‘tapos’ na ang relasyon

0 161

NI: ALWIN IGNACIO

Ngayong hindi na umeere ang romantic drama na kalahok sina Kyline Alcantara at Maverick Legaspi, tapos na rin kaya ang sinasabing ‘relasyon’ nilang dalawa?

Honest ang dalawang Kapuso young stars na more than getting to know each other a little too well ang kanilang pagiging malapit sa isa’t-isa. Balita pa nga na full support ang mommy dearest ni Mavy, si Carmina Villarroel at may approval ito diumano ni Zoren Legaspi.

Binata na nga naman ang kanilang anak at part of his growing up na magka-inspirasyon. In fair Verona kay Alcantara, hindi naman puwedeng kwestiyunin na maganda ito, at tiyak maganda rin ang asal at pag-uugali. Winsome ang personalidad at jive sila ni Maverick kaya nga smooth sailing ang kanilang ‘closeness”.

Ang importante eh alam nina Carmina at Zoren ang tungkol sa pagiging malapit nina Mavy at Kyline.

Tiyak na magagabayan ang dalawang youngsters. Ang ganiyang young love, sweet love ay hindi mapipigilan, sa true lang.

Hindi naman siguro ‘tapos’ na ang relasyon nina Kyline at Legaspi porke nga nag-ending na ang kanilang programa. Tiyak naman may means and ways silang dalawa para ipagpatuloy ang pagkakamabutihan.

Kung they are bound to star sa isang proyekto sa pinakamalapit na hinaharap, tanging ang mga taga-Sparkle ang makakasagot sa bagay na iyan.

Ang diva that you love, ang wish eh talagang mag-sparkle in a major, major way ang karera nina Kyline Alcantara at Mavericl Legaspi.

At aminin na natin ang dapat aminin, bagay na bagay silang dalawa bilang magkapareha.Kahit pa nga sa tunay na buhay, pasok sa banga, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.