Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kyline, Miguel keri nang magdyowa

0 665

Ngayong magkasama sa isang drama sina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix, mabuo na kaya ang natsismis nilang pagmamahalan noon?

Dati pang usapan ng mga dalahira at katkatera na magkasintahan sa dilim sina Alcantara at Tanfelix dahil nga underage pa sila noon. Si Miguel, ang katambal pa ay si Bianca Umali.

Malapit nga bang magkaibigan sina Bianca at Kyline dati at kaya sila nagkasira ay dahil nga in public, lovey dovey sila ni Tanfelix pero in private, si Alcantara pala talaga ang love, love, love nito?

Ngayong may kasintahan na si Bianca sa katauhan ni Ruru Madrid at kahit pa nga neither here nor there ang status of her karera sa kasalukuyan, pipiyok at tatalak kaya siya kung sakaling magkatuluyan sina Kyline at Miguel? (Kagagaling lang ni Kyline sa heartbreak. Ang sabi ng aming source ay si Mavy Legaspi umano ‘yon. – ED).

May mga balakid pa ba kina Alcantara at Tanfelix ngayong magkasama sila sa “I Can See You:#Future?” Wala na nga bang takot ang hello young lovers na ito?

Magiging major, major loveteam force ba ang KyGuel ? Kakabahan ba ang KathNiel, LizQuen at JaDine sa pangyayaring ito o sabay-sabay silang look na lang sa sky sabay hikab at mag-iinat?

Basta ang diva that you love siguradong kahit maging sina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix na, wala itong maitutulong para luminaw ang ilog Pasig, huh!

Angelica wagas ang pagtataray

Papatulan pa ba natin na naging trending topic ang isang fast food joint dahil nga may drama silang Korean hamburger goodies?

Eh ang pinag-uusapan na patalastas na para sa isang pangmasang bake shop kung saan may pangmalakasan itong mensahe tungkol sa body shaming at pananalitang mapanglait?

May keber ba tayo sa isinusulong na gamot na epektibo raw laban sa virus kahit pa nga para pala ito sa mga binubalateng kahayupan at kahit may pangtao nito, para pa rin ito sa stomach at intestinal parasites?

Kung malay ko at pakialam ko ang sagot ninyo sa mga tanong na iyon, ngayon alam na alam na nating lahat kung paano maging mabuhay ng mapayapa – huwag manalig sa mga manufactured trending topic! Hahahaha.

Eh ang latest na pagtalak ni Angelica Panganiban na laging too late the hero or heroine ang mga galawan mula sa the best and the brightest kaya nagkaletse-letse ang buhay nating lahat?

Ang diva that you love, hindi na rin papatol sa pagtataray ni tabachingching princess dahil tapos na ako sa mga political at pandemic reaction. Pinaubaya ko na sa Diyos ang solusyon para sa ating kalagayan at bilang tao, patuloy akong susunod sa social protocols, magpapalakas ng katawan at resistensiya, huhustuhin ang pahinga, laging hydrated at hindi rarampa sa matataong lugar. At hindi lang ako ang mga gumagawa nito, pamilya, kaibigan at mga katoto.

Kung may mga maanghang na pahayag si Panganiban, karapatan niya iyon dahil nasa demokrasya tayo. At siguradong alam niya na rin na ang mga troll magsasaka, here, there and every where ang gagawing paglibak sa kanya kasi nga, source of livelihood and income nila ang pag-atake sa mga artistang nasa hulog at katuwiran.

Kaya go lang sa pagkilos mo ayon sa iyong ganda Angelica Panganiban. Kayang-kaya mo ang laban na iyan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.