Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kyline nagpakatanga sa manlolokong ex-dyowa: Akala ko every single time na nag-apologize siya, magbabago na

0 225

Naranasan na raw ni Kyline Alcantara na paulit-ulit lokohin ng kaniyang ex-boyfriend.

Sa pagpapatuloy ng kaniyang vlog, inamin ni Kyline na nagpakatanga siya noong sa lalaking manloloko.

“I had this experience na ilang beses sa akin nag-cheat ‘yung tao na ‘yon,” pahayag nito.

Dahil umano sa pagmamahal niya sa taong ‘yon ay ilang beses niya itong pinatawad sa pag-aakalang magbabago ito.

“As a naive and young woman, ilang beses ko siyang pinagbigyan and akala ko every single time na nag-apologize siya sa akin magbabago na siya,” ani Kyline.

SM food to go Banner Ad

Ito raw ay dahil may tiwala siya sa taong iyon at akala niya ay mababago niya ito.

“You cannot help a person who doesn’t want to get any help. It’ll all start in you, from within at hindi mo dapat siya i-push na magbago and it’s not my job,” saad ng aktres.

Sa ngayon daw ay nagpapasalamat na umano ang aktres dahil kinailangan niyang pagdaanan ang relasyon na iyon.

“Sabi ko nga tama na pagiging bitter,” sambit pa niya. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.