Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kyline pinapila kay Lee Jong Suk

0 346

Huling-huli si Kyline Alcantara ng fans ni Lee Jong Suk nang mag-komento ang young actress sa Instagram Live ng nasabing sikat na South Korean actor kamakailan.

Nagsagawa ng IG Live last March 31 ang bida ng Korean drama na ‘While You Were Sleeping’ na talaga namang ikinatuwa ng kanyang napakaraming fans since matagal na nilang hindi nakikita ang K-actor. Actually, kalalabas lang niya mula sa mandatory military enlistment noong Enero.

Sa nasabing live stream, nagulat ang lahat nang biglang lumitaw ang komento ni Kyline na “HI LOOOOVE” at “Hi my love.”
Kaagad itong nakita ng mga fan at pinost nila ang screenshot sa Twitter at naka-tag pa si Kyline.

Sinabihan nila ang Kapuso young actress na pumila raw sa likod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Opo, huling huli po si @2002kyline HAHAHAHAHAHA! Pila ka sa likod, bhie. Juk,” tweet ng isang fan ni Lee Jong Suk.
“Madam, sa likod ang pila @2002kyline,”sey naman ng isa pa.

Kantyaw naman ng isa pang fan, “Ms. @2002kyline pila ka rin hahaha. Dito ka sa likod or pwede naman pasingitin kita sa harapan. HAHAHA.”

Sumagot naman si Kyline ng “naka pila po” at “pasingit please.”

Noon pa ay very vocal si Kyline na ang crush niya talaga si Lee Jong Suk.

Leave A Reply

Your email address will not be published.