Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kyline sawi kay Mavy

0 1,029

Inamin ni Kyline Alcantara na galing siya sa heartbreak nang magkaroon ng mediacon ang second episode ng ikalawang season ng I Can See You na “#Future”.

Ayaw niyang banggitin kung sino ang lalaking ‘yun. Pero true kaya ang sinasabi ng aming source na si Mavy Legaspi ang nagpasawi ng kanyang puso?

“Obviously, kasi nasaktan ako. Yun talaga yun, kasi nasaktan ako. That’s why I’m guarding my heart right now.With that pain, I saw my worth. I mean, like, kasi dati parang., kumbaga, I’m gonna tear down my walls for you.But now, now that I know my worth, now that I realize ang mga bagay-bagay,” sambit niya sabay pinigilan ang sarili sa pagkukuwento.

Pero sa ngayon hindi pa siya ready na magkaroon ulit ng lovelife.

Anyway, tungkol naman sa I Can See You na “#Future” na magsisimula ngayong April 5 kinilig ang mga fan nina Kyline at Miguel Tanfelix sa muli nilang pagsasama.

Aminado ang KyGuel na nabitin sila sa limang araw na taping ng #Future. Wish nila ay masundan pa ito.

Talbog!

Male star wapakels sa mga nahawaan ng virus

SM food to go Banner Ad

Kung PR lang ang pag-uusapan, buking na buking na ang ugaling dedma ng male star na umano’y tinamaan ng Covid.

Hindi na kami nagulat sa tsikang wapakels umano siya at di man lang nangumusta sa mga nag-quarantine na kasamahan niya sa taping. Wala raw ito paramdam sa chat group nila.

Bintang nga nila si male star ang nanghawa umano ng virus sa taping.

‘Yan talaga ang napansin naming ugali ng aktor na ito. Todo ang PR pag kaharap. Palabati, mabait at feeling close ka sa kanya pag kausap. Pero pag ite-text mo na siya pag may isyung kailangang linawin dedma na siya. Kahit may pangako na interview sa online show natin pag iti-text mo never ka niyang babalikan para mag-reply.

May ibang press na rin kaming nakausap na ganyan din ang reklamo sa kanya. Na-master daw niya ang pagiging dedmatology.Hindi lang siya tinamaan ng Covid, malala rin ang sakit niyang dedma.

Minsan ay may nagtampo pang reporter na iniisnab niya at di binabati nang makasalubong niya sa network. Pero ang palusot niya ay malabo ang kanyang mata. Hindi raw niya napansin.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.