Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kyrgios tuloy ang bira sa kapwa tenista

0 263

Tuloy ang tira ni Nick Kyrgios sa tennis players na sumali sa Adria Tour – ang event ni Novak Djokovic noong nakaraang buwan.

Pagkatapos ng event, nag-positive sa coronavirus si Djokovic.

Nag-negative sa COVID-19 ang isa pang partisipante na si Alexander Zverev, pero nakunan ito ng video na nasa isang Riviera beach bar walang isang linggo matapos mangako na magse-self-isolate.

Sa pinakahuling Instagram story, nag-post si Kyrgios ng larawan niyang naka-sweats at face mask, nilagyan ng caption: “Shirts on, masks on. Any question boys? #Djokovic #Zverev #Thiem #doughnutBecker.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.