Abante Tonite Interactive

Kyrie Irving pumirma na sa Nets ng $141M

0 404

Kasabay ni Kevin Durant, pinapirma na ng Brooklyn nitong Linggo sina Kyrie Irving, DeAndre Jordan at Nicolas Claxton para maging opisyal na players ng Nets.

Tinanguan ni Irving ang four-year, $141 million deal tulad din ni Durant.
Nitong nakalipas na dalawang seasons ay nasa Boston si Irving.

Iniulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN na pumayag sina Durant at Irving na tumanggap ng mas mababa sa max salary para makapirma si Jordan ng four-year, $40-million deal.

Abante Hiring – IT dep

Magpapagaling pa mula Achilles injury si Durant, si Irving muna ang babalikat sa Nets sa papasok na season.

“Kyrie is one of the NBA’s elite guards and has won at the highest level,” ani Nets general manager Sean Marks. “His championship pedigree, coupled with his gifted scoring and playmaking abilities, will make him an outstanding addition to our team.”

Tubong West Orange, New Jersey si Irving at lumaki raw siyang fan ng New Jersey Nets.

Nitong nagdaang season, nag-average ang 27-anyos na si Irving ng 23.8 points, career-high 5.0 rebounds, career-high 6.9 assists at career-high-tying 1.5 steals sa 67 game sa Cel-tics. (VE)