Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LA Dodgers 2

0 70

Matapos lumabag ni Justin Turner sa health at safety protocols, pinayuhan ang newly-crowned 116th Major League Baseball 2020 World Series champion Los Angeles Dodgers na sumailalim sa dalawang linggong quarantine.

Nag-positibo si Turner sa Covid-19, pero nagsadya pa rin sa laro ng Dodgers kung saan sila ang namayagpag kontra Tampa Bay Rays sa anim na laro noong Martes ng gabi sa Globe Life Field sa Arlington, Texas, at makuha ang pampitong titulo sa kasaysayan ng prangkisa.

Inabisuhan ng LA County Health Department ang baseball squad na mag-quarantine makalipas makasalamuha ang halos lahat sa team nang nagpositibo sa pandemyang si Turner.

Pabalik na sa Los Angeles ang Dodgers kaya’t mas pinag-iingat ang lahat sa posibleng pagkalat ng virus. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.