Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LA hanap bakbakan!

0 266

HINDI maikukubli ang kasabikan ni Barangay Ginebra guard Lewis Alfred Tenorio sa nalalapit na pagbubukas muli ng ika-45 taon ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Setyembre.

Ito ay matapos mag-post sa kanyang FB page ang tinaguriang ‘Iron Man’ sa PBA na si Tenorio na suot ang bago nitong sapatos.

“From Manila to the World!,” sabi nito habang ikinatuwa din ang nakaburda na salita mismo sa sapatos na “Para Sa Kadakilaan” na nangangahulugan na “Strive for Greatness”.

“Let’s all continue to wave the Filipino flag, and the fabled love for basketball, wherever we may be. Hold proud, hold strong!,” sabi pa ni Tenorio.

Umaasa naman si Tenorio, kasama ang buong Barangay Ginebra, na tuluyang papayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang muling pagsasagawa sa mga laro ng liga.

Una nang inilabas ng IATF ang Joint Administrative Order mula sa Philippine Sports Commission, Department of Health at Games and Amusements Board na nagbibigay permiso para makapaglaro at makapagsanay ang mga manlalaro bagaman limitado at kailangang sumunod sa mga panuntunan sa kaligtasan. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.