Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LA inalay 6 titulo sa pamilya

0 69

Naka-anim na kampeonato na si LA Tenorio sa Ginebra, huli ang katatapos na 46th PBA 2021-22 Governors Cup.

Lahat ‘yun, dumating sa taong kapapanganganak ng asawang si Chesca sa kanilang mga anak – apat na supling, bunso si Reese na nakadalawang championship na.

Kampeon si Tenorio noong 2016 Governors, 2017 Governors, 2018 Commissioner’s, 2019 Governors, 2020 Philippine, 2021 Governors.

SM food to go Banner Ad

“All for you my loves, all for you,” aniya Linggo, kasama ang tatlong heart emojis na caption ng court general sa Instagram pic nilang pamilya na inspirasyon niya.

Tatlong lalaki ang mga kuya ni Reese.

“Someday, I hope you can see all daddy’s sacrifices, hardwork and look back, and know I did this all for you,” wakas na sey ni LA, ang Ironman ng PBA. “Thank you my loves for always supporting me through and through (Cheska).” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.