Abante Tonite
Mabilis sa Balita

La Niña mararanasan sa Oktubre

0 88

Makararanas ang bansa ng La Niña Phenomenon o ang above-normal na rainfall conditions mula buwan ng Oktubre hanggang unang quarter ng taong 2022, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon kay Pagasa weather specialist Benison Estareja, apektado ng La Niña ang malaking bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila, Central Luzon, Southern Luzon, Eastern Visayas, Caraga Region, at ilang lugar sa Cagayan Valley, Western at Central Visayas, at Southern Mindanao.

SM food to go Banner Ad

“Ibig sabihin, kung ano ang nararanasan ng mga nabanggit na lugar, for the month of October mas higit pa na ulan ‘yung posible nilang maranasan.”

Asahan din ang malakas na bagyo na makakaapekto sa bansa. Ani Estareja, sa buwan ng Oktubre at Nobyembre ay 2 hanggang 3 bagyo ang papasok sa bansa habang sa Disyembre ay 1 hanggang 2.

“For the month of October, mas mataas na ‘yung chance na nagla-landfall na ang mga bagyo sa Luzon o Eastern Visayas.” (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.