Abante Tonite
Mabilis sa Balita

La Niña papasok sa Setyembre – Pagasa

0 276

May 60 porsiyentong makararanas ang bansa ng La Niña phenomenon, o mas madalas na pag-ulan pagsapit ng Setyembre hanggang Oktubre at inaasahang tatagal hanggang pagpasok ng 2021, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Ana Liza Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction Section na sakaling tumaas pa sa 70% ang posibilidad ng pagpasok ng La Niña sa bansa ay aabisuhan na ang mga local government unit.

Ani Solis kung papasok ang La Niña ay inaasahang mas apektado ang Luzon pagsapit ng Disyembre habang ang Mindanao ay pagdating ng Enero hanggang Pebrero. Karaniwang walang bagyo sa ganitong mga buwan subalit sanhi ng nasabing weather pattern ay maaaring hanggang tatlong bagyo ang pumasok sa bansa. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.