Abante Tonite Interactive

LA sa basher: Tao ka ba o hayop?

714

Pumatol sa basher si Barangay Ginebra San Miguel star Lewis Alfred ‘LA’ Tenorio dahil sa pambabastos sa kanya.

Sa troll account ng isang netizen, makikitang kabastusan at panlalait ang ibinabato nito sa 5-time Philippine Basketball Association champion at Iron Man ng pro league.

Tweet kasi ni @raiko11863007, “@LA_Tenorio edad mo nung una kang tsinupa ng bakla?”

Nagpanting naman ang tenga ng 5-foot-9 combo guard kaya ni-retweet niya rin ito at pinalagan ang bastos na quote.

Ani @LA_Tenorio, “Wow!! Tsk tsk! Ikaw Tao ka ba? Or Hayop?”

Marami naman sa mga netizen ang kumampi kay Tenorio, umalma at hindi nagustuhan ang pahayag ng nasabing troll account. (Aivan ­Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad