Abante Tonite
Mabilis sa Balita

La Sallista nag-sorry sa pambabastos kay VP Leni

0 427

Tila nabahag ang buntot ng isang estudyante matapos imbestigahan ng University of St. La Salle (USLS) sa Bacolod ang post niyang nambabastos kay Vice President Leni Robredo.

Humingi man ng paumanhin ang estudyante (hindi na pinangalanan ng Abante Tonite), sinabi nito na umaasa siyang huwag muna husgahan hanggang mapatunayan ang kanyang kasalanan.

Naka-tag sa Facebook post niya si VP Leni at ang USLS Office for Student Affairs.

SM food to go Banner Ad

May siyam na oras na ang nakalipas bago nakita ni Robredo ang post ng USLS student at ito lamang ang kanyang tugon: “Hindi naman ako ang nabawasan. Yung na dadamage ng mga ganitong comments ay yung pamilya na pinanggagalingan ng mga taong katulad nito, at yung mga lider na iniidolo nila. Leaders who bring out the worst in people are not what our country needs.”

Inamin ng estudyante na apektado siya sa inabot na mga pamba-bash dahil sa kanyang post. Pinuna umano siya ng mga kapwa estudyante, ang publiko, at mga USLS alumni kaya’t naapektuhan siya emotionally at psychologically.

Aniya, isinuka siya ng buong Lasallian community dahil sa kanyang FB post pero umaasa siyang mapapatawad at magkaroon ng puwang para mapatunayan niyang inosente siya.

Hindi bumenta ang kanyang paghingi ng paumanhin sa Facebook na naka-public ang setting at patuloy itong kinastigo ng mga netizen.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.