Abante Tonite Interactive

LA, Tim atat sa all-Pinoy title

424

Tapos bawiin ang korona ng PBA Governors Cup crown, nasa radar na nina coach Tim Cone at playmaker LA Tenorio ang crown jewel ng liga – all-Filipino.

Apat sa PBA-best 22 titles ni Cone, mula all-Filipino.

Si LA, sa 13 seasons niya sa liga ay may limang championship rings na pero mailap ang sa Philippine Cup.

“After the game, LA came to me and said, ‘Coach, I want to win the all-Filipino,’” ani Cone tapos itumba ng Ginebra ang Meralco 105-93 sa Game 5 ng Finals nitoong Biyernes sa MOA Arena.

Determinado si Tenorio, 35, na makuha ang kulang sa trophy collection niya.
May tig-isang Fiesta at Commissioner’s Cup titles si Tenorio, tatlong Governors.

“I’m really determined to win the all-Filipino,” giit ni LA paglabas ng dugout.

May naisip nga siyang solusyon.

“Kung mana-naturalize lang natin si Justin (Brownlee), bakit ‘di?” natatawa niyang sabi.

Nagseryoso na siya tapos.

“Lahat ng championship ko came with imports. Iba ‘pag all-Filipino,” dagdag niya. “But again, it’s not easy. The way we play as a team right now, sana madala namin sa all-Filipino, the way we play defense.” (VE)