Abante Tonite Interactive

La Vino Loca

123

Sa panahon ng kaliwa’t kanang parties na dadaluhan, isa talaga sa mga ideal na present dalhin ang wine.

Napakarami nga namang mapapagpilian dahil sa iba’t ibang uri nito maging ang mga attractive na design ng mga bote.

Pero tricky pala itong iregalo dahil may mga dapat isaalang-alang. Sumusunod ang ilang mga working tips sa pagreregalo ng good ol’ wine:

DO… give a bottle of sparkling wine to a friend. Ang pagreregalo ng anumang sparkling wine ay ipagpapasalamat ng kaibigan dahil ang ganitong uri ay kadalasang naiibigan ng sinumang umiinom ng alak. Mainam itong i-share sa ibang party guests ng iyong kaibigan dahil ‘di na siya mapi-pressure ‘to keep the wine flowing’.

DON’T… gift a wine you have not tried yourself. Kung magreregalo ng alak, dapat tiyaking ito ay subok mo nang patok sa panlasa. Kung ‘di naman umiinom ng alak, puwedeng obserbahan ang wine choice ng taong pagbibigyan at ganoong uri na rin ang ibigay dito.

DO… indicate if wine is for cellaring. Magandang ideya ang maglagay ng note sa ireregalong wine kung ibibigay ito bilang dagdag sa koleksyon. Isang simpleng “For your cellar.” para malaman ng makakatanggap na ang handog na alak ay mainam na i-celllar. Maghuhudyat rin ito na maaaring buksan agad ang wine at inumin noon din.

DON’T… overdo the presentation. Ang sobrang packaging sa ngalan ng magandang presentation ay maaring magdulot pa nang ‘di kagandahan sa ireregalong alak. Karaniwang sapat na ang isang magandang ribbon para magmukhang presentable ang handog na alak.

Ang sobrang pagbalot sa bote ay magpapainit dito at magpapababa naman ng kalidad ng alak na ireregalo.

Sa susunod na magpasyang magregalo ng wine, alalahanin ang mga nabanggit para tuluy-tuloy lang ang party party.