Abante Tonite Interactive

LA walang pag-asa, LeBron ibabartolina

Kulang sa ayuda!

254

Tinitimbang na ng Los Angeles Lakers kung babawasan ang playing minutes ni LeBron James sa mga natitira pang laro sa regular season.

“I will be monito­ring his workload from here on out,” pahayag ni coach Luke Walton sa ESPN nitong Huwebes.

Halos sigurado nang hindi makakapasok sa playoffs ang Lakers sa pang-anim na sunod na season. May 17 laro, No. 11 sa Western Conference ang Lakers sa 30-35, malayo sa No. 8 Clippers (37-29).

Noong isang araw, nabanggit ni James na kung hindi rin lang injured ay gusto niyang maglaro sa kabuuan pa ng season. Hindi siya iuupo, pero posibleng bawasan ang minutong itinatagal niya sa loob.

Sa 115-99 loss sa Denver Nuggets noong Miyerkoles, naglaro si LeBron ng 31 minutes – halos 5 minutes ang nabawas sa kanyang season average. Career-low na niya ang 35.6 minutes per game sa loob ng 16 na taon. Pero 34 na rin siya, hindi na siyempre kasing-tibay dati ang tuhod.

Noong Dec. 25, inabot ng left groin injury si James at lumiban ng 18 laro. Gumigitgit sa kalagitnaan ng top 8 ang Lakers noon, pero nang mawala ang superstar ay unti-unting nawala sa playoff picture.