Abante Tonite Interactive

Laarni nagtago sa abroad

2,389

Special guest sa online show namin nina Rodel Fernando at Mildred Bacud na ‘Showbiz Pamore Tonite’ ang tinanghal na Grand Champion sa dating singing reality show ng ABS-CBN 2 na ‘Pinoy Dream Academy Season 1’ na si Laarni Lozada. Tinanong namin ang dalaga kung ano ang mga nangyari at nabago sa kanya after PDA Season 2.

Sabi ni Laarni, “After PDA, pumunta ako ng USA. Sumali ako ru’n sa sinalihan ni Kuya Jed Ma­dela, na WCOPA (World of Performing Arts). I got 4 golds and 1 silver. Sa senior category, ‘di ba meron du’n na jazz, gospel, pop, broadway, saka ano pa ba ‘yung isa? Du’n sa apat na ‘yun, ako ‘yung nag-champion at ‘yung isa nga ay silver ang napanalunan ko.”

Ang ilan sa ka-batch niya sa PDA Season 1 ay sina Bugoy Dri­lon, Cris Pastor, Miguel Mendoza at Liezel Garcia. Ayon sa kanya, after PDA, hindi na nagkaroon ng chance na nakakasama niya ang mga ito.

“Actually, sila ‘yung mga na­ging close after naming lumabas sa PDA. Kasi, hindi ako nakakasama sa kanila kapag niya­yaya nila akong lumabas, ‘yung magpunta sa ganito, sa ganyan, mag-bar hopping. Homebody kasi ako e, hindi ako masyadong malabas. Gusto ko lang talaga ‘yung lagi akong nasa bahay, nagpapa­hinga lang ako.”
After winning sa PDA Season 1, naging visible sa mga show ng Kapa­milya network si Laarni. Naging regular performer siya sa ASAP sa loob ng tatlong taon. Pero bigla naman siyang nawala noon sa sirku-lasyon. Anong nangyari?

“Pinagpatuloy ko kasi ‘yung pag-aaral ko. Naka-graduate naman po ako ng kursong Bachelor of Science in Education major in English sa Philippine Women’s University (PWU).”

Nu’ng nasa PDA pa si Laarni, sinasabing may attitude siya, hindi raw kasi siya nakikipag-cooperate sa ilang task ng show. May paliwanag si Laarni tungkol dito.
“Every morning, pinapakausap kami sa psychiatrist, sa psychologist. Then, pinalalabas ‘yung emotions namin, kung ano ‘yung problema namin sa pamilya, at sa kung ano pa. Sabi ko, it’s a singing reality show, at hindi naman po ito Pinoy Big Brother.­ Sabi ko, kanta na lang po muna. Hangga’t maaari, ayoko po munang ilabas ‘yung problema sa family ko. I protected my parents. Kasi siyempre po, kung ilalabas ko ‘yung problema ng
pamilya ko, baka wala nang mukha na iharap ang nanay at tatay ko sa mundo, sa dami ng problema namin that time.

Laking probinsiya si Laarni, sa Sultan Kudarat. Aminado siya na hindi sila mayaman. Nagpapa­salamat na lang siya na ‘yung cash prize na napanalunan niya noon sa PDA ay nakatulong nang malaki sa kanilang pamilya.

Sumuko sa intriga

Samantala, aminado si Laarni na dumating sa puntong na-depress siya sa dami ng paninira na natatanggap niya mula sa kanyang mga basher, at sa sistema sa loob ng showbiz.

“Aminado po ako na na-depress ako noon, kasi hindi ko kinaya ‘yung mga intriga sa akin. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yung mga taong naninira sa akin. Na-down po talaga ako, dahil sa bashers ko. And that time, ‘yung family ko po, nasa probinsiya. Hindi ko po kasama noon ‘yung mga taong inaasahan ko na tutulong sa akin, nag-iisa lang po ako that time.”

Paano ang ginawa niya para maka-survive sa mga intriga at paninira sa kanya?

“Nagtago po ako, nag-abroad po ako. Pinuntahan ko na lang po ‘yung tita ko roon. Kain-tulog lang po ako ru’n. Hindi ko na inisip ‘yung mga intriga sa akin,” natatawang sabi pa ni Laarni.

Hindi ba nagalit ang dati niyang management, which is Star Magic, sa ginawa niyang biglaang pagpunta sa ibang bansa?

“Nagpaalam naman po ako sa kanila. Kinausap ko naman po sila, naintindihan naman po nila ako. That time kasi, batang-bata pa ako, ‘yun ‘yung time na hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.”

Dumating din daw sa puntong na-burn out siya, “Kasi po dati, umaabot sa apat ang show ko sa loob ng isang araw, kaya talagang nakakapagod.”