Abante Tonite Interactive

Laban natin lahat para sa katahimikan

257

Dear Abante Tonite,

Nakakabahala ang pag-ako ng ISIS sa nangyaring pagpapasabog sa kampo sa Indanan, Sulu. Hindi naman bago sa atin kung ano ang kayang gawin ng teroristang ISIS.

Ang isa sa nakakabahalang pahayag na binitawan ni Defense Secretary Lorenzana na may posibilidad na ang pagpapasabog ay kagagawan ng isang Pinoy.

Ang alam lang kasi natin na taga-ibang bansa lang ang malakas ang loob maging suicide bomber.

Ganu’n pa man, dapat tayong maging mapagmatyag sa posibilidad na tunay ngang ultimo kapwa natin Pilipino ay napulbura ng maling idelohiya ang pag-iisip.

Dapat tayong maging mapagmatyag ang huwag magpakampante na lang sa problema sa terorismo.

Alalahanin natin na ang terorismo ay ‘di lang laban ng gobyerno kundi laban natin mga Pilipino maging ng bawat tao dito sa mundo.
Nikki Marquez, Junior Journalist of the Philippines ng QC