Abante Tonite Interactive

Labanan ang puyat

493

julius-segoviaMasandal, tulog? Ikaw ba ‘yung taong mabilis gumawa ng tulog? Kung oo, good for you.

Kailangan mo naman ito kung ikaw ‘yung tipo ng taong nakakailang ikot na sa kama pero hindi pa rin madapuan ng antok.

May tips ang ilang medical experts sa mga may problema sa pagtulog.

Importanteng ma­tulog sa itinakdang oras gabi-gabi. Walong oras ang regular sleeping hours bawat araw.

Importante rin daw na may regular exercise at mag-maintain ng proper diet.

Sa mga alcoholic d’yan, iwasan uminom ng alak. Ayon sa FB post ni Dr.

Willie Ong, “Alcohol may dose off but the qua­lity of sleep is poor.”

Avoid drinking coffee too. May caffeine content ito na nakapagpapabuhay ng iyong diwa at isip.

Hangga’t maaari, huwag na mag-isip ng kung ano-ano sa gabi para makapahinga nang maaga.

Mainam din kung may iniinom kang vitamins para mas maging mahimbing ang iyong tulog.

Drink hot milk or tea. Uminom ng maligamgam na gatas o kaya’y chamomile tea. It will keep you warm. Mabilis ka ring makakatulog.

Huwag mag-schedule ng early meeting. Karaniwan kasing pinupuyat mo ang sarili mo sa trabaho kapag may maagang meet-up ka the next day.

Have a comfortable bedroom. Importante na malambot ang iyong higaan para kompor­table ang tulog. Patayin din ang ilaw kung mas makatutulong ito sa mabilis mong pag-idlip. Kung kaya ng budget, mag-install ng aircon sa kuwarto.

Para sa iba, mas mabilis silang makatulog nang may cover ang mga mata at tenga.

Ang sa akin lang, huwag kalimutang magdasal bago matulog. Importanteng magpasalamat sa lahat ng mga biyayang natatanggap. Ipanalanging maging mahimbing ang iyong tulog para good mood sa susunod na araw.