Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Labo-labo ang PDP-Laban

0 328

Ang daming interesadong tumakbong Presidente sa 2022 elections pero mas marami ang mula sa ruling party na PDP-Laban.

Tatlo na sa pagkakaalam ko ang umaaligid-aligid sa puwestong iiwanan ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa PDP-Laban.

Habang may tatlo pang kaalyado ng administrasyon ang gusto ring sumabak sa pagka-Pangulo.

Hindi pa kasama sa mga pumuporma ang bilang ng mga nasa oposisyon na sa pagkakaalam ko ay dalawa.

Sa dami ng gustong maging susunod na Presidente ng bansa, sino kaya sa bandang huli ang mananaig sa kanila at tatangkilikin ng taumbayan?

Kahit ano kasing pagmamalinis ang gawin ng mga nasa administrasyon na wala silang panahon sa politika dahil nakatutok sila sa paglaban sa COVID-19 ay walang naniniwala.

Iba kasi ginagawa nila sa kanilang sinasabi kaya walang naniniwala sa inyo.

Lalo na ang mga nasa local government unit kitang-kita na ang galawang eleksyon sa ginagawa nilang pagpapatupad ng mga programa at pamimigay ng kung anu-anong makinarya na sa hinaba-haba naman ng panahon ay ngayong mag-eeleksiyon nila niraratsada.

Kaya dapat maging aware ang taumbayan sa galawan ng mga politiko.Huwag na tayong magpabola sa kanila na kesyo ngayon lang talaga inilabas ang pondo para sa mga proyekto nila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Napakarami nila ngayong ganyan ang diskarte, namimigay ng kung anu-anong magpapaalala sa kanilang constituents.

Pero ang tanong sa nakalipas na dalawang taon o pagkatapos ninyong iluklok naging abala ba kayo sa pagtulong o panay lang ang lamyerda ninyo at bibihirang makita sa inyong tanggapan?

Kung ganito ang galawan ng inyong pinuno, tandaan na ang kanyang pagmumukha at huwag nang bigyan ng kahit anong puwesto sa inyong lugar.

***

Malayong-malayo ang mga politikong nagpaparamdam lamang ‘pag malapit na ang eleksyon kay Botolan, Zambales Sangguniang Bayan Angel Diesta.

Paano naman halos lahat yata ng aktibidad mayroon ang pamahalaang bayan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Bing Maniquiz ay present si SB Diesta . Kaya walang dahilan para pag-isipan silang namumilitika dahil lahat ng oras na kailangan sila ng kanilang mga kababayan ay nariyan sila.

Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit lalo silang minamahal ng kanilang mga constituent.

Paano ba naman ay hindi nila binigo ang kanilang mga kababayan sa mga ipinangakong programa at pagbabago noong panahong hinihingi nila ang kanilang suporta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.