Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Labor education sa tertiary curriculum batas na

0 101

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na isama ang labor education sa curriculum ng tertiary education, ayon kay House Committee on Higher and Technical Education at Baguio City Rep. Mark Go.

Inaatasan ng Labor Education Act (Republic Act 11551) ang lahat ng pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad na isama ang labor education sa mga elective course at magsagawa ng Labor Empowerment and Career Guidance conference para sa mga magtatapos na estudyante.

Ang mga technical-vocational institutions (TVI) na may non-degree at diploma courses ay inatasan din na magbigay ng labor education bilang elective course at isama ito sa module ng mga short-term courses.

Iginiit ni Go ang kahalagahan na maturuan ang mga estudyante ng karapatan ng isang nagtatrabaho o naghahanap ng trabaho gayundin ang mga responsibilidad nito bilang empleyado.

Sina Go, Deputy Speaker Rufus Rodriguez, House Committee on Labor and Employment chairperson Eric Pineda, Deputy Speaker Mike Romero at Parañaque Rep. Joy Tambunting ang pangunahing may-akda ng panukala sa Kamara de Representantes. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.