Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Labor leader bet ni Robredo sa Senado

0 129

May napili na si Vice President Leni Robredo para isa pang puwesto sa mga kandidato niya sa pagka-senador sa 2022 election.

Inihayag ni Robredo na napili nito ang labor leader at abogado na si Sonny Matula dahil sa malinaw umanong track record ng huli sa pagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa laban sa malalaking korporasyon.

“Buo na ang labindalawa: Isang hanay na iba-iba man ang pinanggalingan ay nagkakaisa sa kinabukasang nais patunguhan,” sabi ni Robredo tungkol sa kanyang mga kandidato sa pagka-senador.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, iginagalang umano ni Makabayan senatorial candidate Neri Colmenares ang naging desisyon ni Robredo na huwag siyang isama sa senatorial slate nito.

Sinabi ni Colmenares na hindi nangangahulugan na puputulin na niya ang pakikipag-ugnayan kay Robredo.

Ang pinakamalaking isyu umano sa kasalukuyan ay ang pagtiyak na hindi makakabalik sa Malacañang ang pamilya Marcos at hindi mananatili roon ang mga Duterte sa gitna ng hamon ng pandemya at lumalalang kalagayan ng bansa. (Kiko Cueto/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.