Abante Tonite Interactive

Labor union magpipiket sa DOLE kontra endo

By
102

Bilang pagdiriwang ng World Day for Decent Work, magtitipon-tipon ang mga kasapi ng unyon sa IndustriALL Global Union sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Manila upang bigyan-diin ang panawagan nilang tapusin ang kontrak­tuwalisasyon at pabilisin ang mga desisyon sa mga kaso ng regularization na may mahabang panahon ng nakabinbin sa kanilang mga tanggapan.

Sa loob ng 4-taong sunod-sunod, patu­loy ang kanilang pagkilos upang hilingin na wakasan ang pagsasagawa ng anumang uri ng walang katiyakang gawain lalo na ang kontraktwalisasyon.

Kasabay ng Pandaigdigang araw ng Pagkilos laban sa walang katapusang gawain at sa tema ng pagbabantay sa hinaharap ng mga kabataang manggagawa, ang World day of Decent Work sa taong ito ay naglalaan ng paraan upang mailabas ang hinaing ng mga manggagawa sa mabagal na proseso ng regularisasyon na nasa ilalim ng kontrata sa maikling panahon at labor-only contract.