Laboratory subject, OJT gawin sa 2021 – CHED

Hiniling ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa na gawin na lamang ang kanilang mga laboratory class at on-the-job training (OJT) sa susunod na taon.
Inihayag ni CHED Chairman Prospero de Vera ang naturang mungkahi sa kanyang pulong kay Pangulong Rodrigo Duterte na inilabas sa PTV-4 noong Miyerkoles.
“In January, i-delay natin hanggang January at uutusan natin `yong mga universities na lahat nung subjects na may lab, OJT (on-the-job training), internship et cetera, i-reschedule nila sa second semester,” ani De Vera.
“So sa first sem ang ituturo lang lahat nung mga klase na regular na puwedeng lectures. Theoretical doon sa first sem. Imo-move natin sa second semester ‘yung kailangang pupunta,” paliwanag pa ni De Vera. (Prince Golez)