Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laborer sinaksak nakadebate sa lugawan

0 42

Todas ang 36-anyos na lalaki nang undayan ng sunud-sunod na saksak ng construction worker na naka-debate nito habang kumakain sa isang lugawan sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Benjamen Guinamay Jardio Jr., 36, may asawa, habang agad namang naaresto ang suspek na si Jomar Mariano, 32, kapwa naninirahan sa Brgy. San Agustin.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-12:30 Biyernes ng madaling-araw nang maganap ang pananaksak sa kanto ng Ambrosia at Fidel Street, sa TS-Cruz Subdivision ng nasabing barangay.

SM food to go Banner Ad

Batay sa imbestigasyon ni Patrolman Nestor Ariz Jr., nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at suspek habang kumakain ng lugaw pero naawat naman ng mga empleyado ng lugawan.

Umalis ang suspek pero nagbalik ito na may dalang patalim at nang maispatan si Jardio na nakatayo sa kanto ng lugar ay nilapitan ito at ilang ulit na inundayan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nang duguang bumagsak ang biktima ay tumakas ang suspek pero ilang oras lamang ay naaresto rin ito ng mga awtoridad. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.