Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Labu-labo sa hatian, mga ninakaw sinoli

0 146

Isang grupo ng mga menor de edad ang nagpasyang isoli na lamang ang mga ninakaw nilang baril at alahas matapos magtalo sa partehan sa San Jacinto, Pangasinan.

Ayon kay Sr. M/Sgt. Ramon Gamboa Jr., imbestigador ng San Jacinto Police Station, nadiskubre ng mga opisyal ng barangay ang pagnanakaw ng siyam na menor de edad matapos magtalo ng mga ito tungkol sa hatian.

“They admitted to the barangay captain Zandro De Guzman that the reason for their argument was because of the stolen firearms and jewelry. They admitted they rob an unoccupied house at Barangay Sto. Tomas here, where they got one small M16 rifle and two caliber .45 pistols and ammunition and a gold chain necklace,” ani Gamboa sa ulat ng PNA.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ibebenta sana ng mga ito ang ninakaw pero hindi na iyon itinuloy.

Agosto at Setyembre ngayong taon aniya pinasok ng mga menor de edad ang isang bakanteng bahay.

Samantala, hindi na kinasuhan ng biyuda ng may-ari ng bahay ang mga suspek dahil sa pagiging minor. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.