Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lachica nahalal na PSA prexy

0 139

Nagkakaisang inihalal si Tempo Sports Editor Rey Virgilio Lachica bilang bagong pangulo ng Philippine Sportswriters Association (PSA).

Pinalitan ng 54-anyos at naging The Dawn sports editor din ng University of the East, si Manila Bulletin sports editor Tito Talao na nagsilbing pangulo sa nakalipas na dalawang taon nang pinakaunang edia rganization sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nanalong First at Second Vice Presidents sina Nelson Beltran ng Philippines Star at Francis Ochoa ng Philippine Daily Inquirer, secretary si Jasmine Payo ng Rappler, treasurer si People’s Journal sports editor Joe S. Antonio, assistant treasurer si Gerry Ramos ng SPIN.ph at auditor si Gilbert Cordero ng PS din.

Kasama ni Talao sa PSA Board sina Jimmy Cantor ng Malaya, Dodo Catacutan ng SPIN.ph, Lorenzo Lomibao Jr. ng Business Mirror, Riera Mallari ng Manila Standard, Eduardo Andaya ng People’s Tonight, Mae Villena ng PM, Ramil Cruz ng Abante TONITE, Emil Noguera ng Manila Times, Julius Manicad ng Daily Tribune, at Ferdinand Delos Santos ng Abante.

Ang dating PSA president at kasalukuyang Daily Tribune Managing Editor na si Aldrin Cardona ang group adviser. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.